Add parallel Print Page Options

14 Nang magkagayo'y nagpatuloy ako sa (A)pintuang-bayan ng bukal at sa (B)tangke ng hari: nguni't walang dakong mararaanan ang hayop sa ilalim ko.

15 Nang magkagayo'y namaybay ako ng kinagabihan sa (C)batis, at aking minasdan ang kuta; at ako'y bumalik, at pumasok sa pintuang-bayan ng libis, at sa gayo'y pumihit ako.

16 At hindi naalaman ng mga (D)pinuno kung saan ako naparoon, o kung ano ang ginawa ko; ni hindi ko rin isinaysay sa mga Judio, ni sa mga saserdote man, ni sa mga mahal na tao man, ni sa mga pinuno man, ni sa nalabi man na gumagawa ng gawain.

Read full chapter